Kinumpirma ni Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque na naisumite na ng Russian vaccine manufacturer na Sputnik V ang lahat ng mga dokumentong kinakailangan nito sa Food and Drug Administration.
Ayon kay Roque, kapag nasuri na itong maigi ng FDA ay posibleng mabigyan na rin ng Emergency Use Authorization ang Sputnik V at maaari na itong magamit kapag dumating na ang mga bakuna sa bansa.
Una nang sinabi ng FDA na tinatayang nasa 21 araw ang gugugulin upang kanilang ma-evaluate maigi ang EUA application ng isang vaccine maker.
Kinakailangang makapagbigay ng kompletong datos ang vaccine manufacturer na makapagpapatunay na ligtas at epektibo ang kanilang likhang bakuna.
Sa ngayon, ang mayroong EUA sa bansa ay ang Pfizer, AstraZeneca at Sinovac vaccines.