Inanunsyo ng Gamaleya Research Institute of Russian ang Sputnik V vaccine ay 90% na epektibo laban sa nakakahawang Delta variant ng COVID-19.
Sinabi ni Denis Logunov, deputy director ng Gamaleya, ang datos ay pinagbasehan sa digital medical at vaccine records.
Para naman kay Alexander Gintsburg, director ng Gamaleya, maraming bansa sa mundo ang naaalarma sa banta ng Delta variant.
Nabatid na 92% na epektibo ang Russian vaccine laban sa original strain ng coronavirus.
Facebook Comments