Binigyan na ng Food and Drug Administration (FDA) ng Emergency Use Authorization (EUA) ang Sputnik V COVID-19 vaccine ng Gamaleya Research Institute ng Russia.
Ito ang inanunsyo ni FDA Director General Eric Domingo sa press briefing ng Department of Health (DOH).
Ayon kay Domingo, ito na rin ang magbibigay daan para sa negosasyon para sa milyong doses ng bakuna.
Nilinaw rin ni Domingo na dumaan sa maingat na pag-aaral ang aplikasyon para sa EUA ng Sputnik V vaccine bago ito aprubahan.
Kabilang na rito ang mga data na ipinadala ng Gamaleya tulad ng potential benefits ng Gamaleya Sputnik V vaccines.
Nililinaw naman ng opisyal na hindi ito maaaring ibenta “commercially.”
Facebook Comments