Sputnik Vaccine ng Russia, 91.6% na epektibo laban sa COVID-19

Kayang magbigay ng matibay na proteksyon laban sa COVID-19 ang Sputnik V ng Russia.

Ito ay batay sa interim analysis ng advanced clinical trial.

Ayon sa peer-review findings na inilathala ng medical journal na “The Lancet,” lumalabas na 91.6% na epektibo laban sa virus ang Sputnik V.


Nagbibigay rin ang bakuna ng full protection laban sa mga severe cases ng COVID-19 at maaaring gamitin sa mga edad 60 pataas.

Inihahanda na ang pag-aaral sa paggamit nito para sa mga bata.

Aprubado rin ang bakuna para gamitin sa 16 na bansa, mula Argentina hanggang Iran.

Ayon kay Kirill Dmitriev, co-developer ng Russian Direct Investment Fund, bagama’t hindi pa pinal ang resulta, ang Sputnik V ay maihahanay na sa mga bakunang dine-develop ng Moderna, AstraZeneca at Pfizer-BioNTech.

Dagdag pa ni Dmitriev, ang bakuna ay nananatili ring epektibo laban sa mga bagong strains ng COVID-19.

Sa susunod na linggo, magsasagawa ng test para sa combination ng AstraZeneca at Sputnik V vaccines.

Ang kombinasyon ng dalawang bakuna ay mas epektibo sa mga bagong variants.

Facebook Comments