Squad Lider ng NPA, Sumuko sa Militar

17

Cauayan City, Isabela- Kusang sumuko sa mga sundalo ng 86th Infantry Battalion ang isang lalaki na kasapi ng New People’s Army (NPA).

Ang nagbalik loob ay nakilalang si Alyas ‘Jim’, 20 taong gulang, squad leader ng Regional Sentro De Grabidad KR-CV na taga San Guillermo, Isabela.


Na-recruit ng rebeldeng grupo si Jim noong taong 2019 dahil sa pinangakuan itong tutulungan siya sa kaniyang mga problema.

Pero nitong Enero ng taong kasalukuyan ay nagbalik-loob din si Jim dahil sa walang katuturan na sinasabi ng mga dating kasama at nahirapan na rin sa pakikisama sa loob ng kilusan.

Hinihimok naman ni LTC Ali Alejo, Commanding Officer ng 86th IB ang mga nalalabi pang miyembro ng NPA na gayahin ang ginawang desisyon ni Jim na nagbalik-loob na sa gobyerno at mas piniling mamuhay ng masaya at payapa kasama ang mga mahal sa buhay.

Facebook Comments