SRA board member at Planters Representative Pablo Luis Azcona, suportado ang mungkahing pagtatatag ng anti-agricultural smuggling court

Sinusuportahan ni Pablo Luis Azcona, Board member at Planters Representative ng Sugar Regulatory Administration ang panukalang bumuong Anti-agricultural Smuggling Court.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Azcona na bilang isa ring magsasaka o nagtatanim ng tubo, personal niyang sinusuportahan ang suhestyong ito.

Paliwanag nito, walang ibang matinding naapektuhan kapag talamak ang smuggling ng mga produktong pang-agrikultura kabilang ang asukal ay silang mga magsasaka.


Karamihan pa naman aniya ng mga magsasaka o 90% sa mga ito sa buong bansa ay maliliit lamang ang lupang sinasaka.

Kaya para kay Azcona, magandang hakbang ang mungkahi na magkaroon ng isang korte na lilitis sa mga smuggler at mga negosyante o middleman na nagmamanipula sa presyo ng mga Agriculture products para sa proteksyon ng mga lokal na magsasaka.

Sa ngayon, ayon kay Azcona na hindi pa nila napaguusapan sa SRA board ang panukalang ito.

Facebook Comments