SRA, idineklarang para sa domestic comsumption ang lokal na produksyon ng asukal sa susunod na crop year

Ilalaan ng Sugar Regulatory Administrator (SRA) ang lahat ng lokal na produksyon ng asukal sa susunod na crop year o itong domestic sugar.

Ayon kay Azcona, magsisimula ang milling season nito sa Oktubre 1.

Aniya, noong July 27 umabot sa 2.084 milyong metriko tonelada ang nabuong “raw sugar” mula sa halos 26 milyong metric tons nang naaning tubo.

Kung kaya patuloy nilang hinihikayat ang mga magtutubo na makipagtulungan sa SRA lalo na ang mga apektado ng pagkalat ng Red Stripe Soft Scale Insect (RSSSI) infestation para matiyak na maganda ang magiging produksyon nito at hindi mapeste.

Pinasalamatan din ni Azcona ang mga magsasaka sa Mindanao, na tinawag niyang bayani ng industriya ngayong taon dahil sa malaking pagtaas ng produksyon sa rehiyon.

Facebook Comments