Iginiit ng Sugar Regulatory Administration (SRA) na ang kasalukuyang sitwasyon ang nagtulak sa ahensya na mag-angkat ng 200,000 metric tons ng asukal
Ayon kay SRA Administrator Hermenegildo Serafica, dahil sa pagsalanta ng Bagyong Odette sa taniman ng tubo, nasira ang mga warehouses, mga facilities at equipment ng mga sugar mills at refineries sa mga pangunahing sugar milling districts sa bansa na nagsanhi sa pagbaba ng sugar stocks.
Dahil dito, napilitan ang SRA na muling baguhin ang pre-final crop estimate ng raw sugar production.
Mula sa naunang 2.099 MT na pre-final crop estimate ibinaba na lang Ito sa 2.072 MT.
Sinabi ni Serafica na sapat na ang aangkating 200,00 MT ng refined para mapunan ang kakulangan.
Magkakaroon ng buffer stock hanggang sa pagsisimula ng susunod na milling season.