Ikinokonsidera ng pamahalaan na magtakda ng suggested retail price (SRP) sa refined sugar at magkasa ng inspeksyon sa mga warehouse ng asukal sa bansa.
Ayon kay Sugar Regulatory Administration Administrator (SRA) Pablo Azcona, ito ay upang malaman nila kung bakit nananatiling mataas pa rin ang presyo ng refined sugar sa merkado sa kabila ng pagbaba ng farmgate price ng mga raw sweetener.
Pumapalo pa rin kasi sa ₱110 ang kada kilo ngayon ng puting asukal na dapat sana ay nasa ₱80 lamang dahil sa mababang farmgate price ng raw nito na nasa ₱55 per kilo, batay na rin sa monitoring ng Department of Agriculture sa mga pamilihan sa Metro Manila.
Bukod dito, marami rin aniya supply ng imported sugar sa merkado kaya walang dahilan upang hindi bumaba ang presyo ng refined sugar.
Sa ngayon ay pina-plansta na ng SRA ang pag-iinspeksyon sa mga warehouse upang malaman ang actual na volume ng asukal sa bansa.