SRA, naghahanap na ng paraan para mapabilis na mai-repack ang mga asukal na ibebenta sa Kadiwa

Pinaplantsa na ng Sugar Regulatory Administration (SRA) ang guidelines para agad na maibenta na sa Kadiwa stores ang mga nasabat na asukal.

Ayon kay SRA Board Member Paul Azcona, humiling na sila ng tulong sa iba pang attached agency ng Department of Agriculture (DA) para maresolba ito at kakausap rin ng ilang manufacturing company para madaliin ang repacking.

Matatandaang sinabi ng SRA na target nitong maibenta ngayong buwan ang mga nasabat na asukal. Gayunman, aminado si SRA Board member Paul Azcona na hamon ang logistics nito gaya nalang ng repacking.


Paliwanag ni Azcona nasa kabuuang 4,000 tonelada kase ng asukal ang kailangang i-repack na katumbas ng 4-million kilo ng asukal.

Bukod sa logistics ay tinatalakay rin ng DA at SRA kung saan mapupunta ang pondong kikitain mula sa ibebentang mga asukal.

Una nang sinabi ng SRA na ibebenta sa Php 70 kada kilo ang mga nasabat na asukal sa Kadiwa stores.

Facebook Comments