Pinaplano na ng Sugar Regulatory Administration (SRA) ang pag-aangkat ng puting asukal upang matiyak ang sapat na buffer stock at mapigilan ang posibleng pagsipa ng presyo.
Ayon kay SRA Administrator Paul Azcona, bagama’t umabot na sa 1.9 milyong metric tons (mt) ang produksyon ng asukal ngayong taon, mas mataas ito kumpara sa 1.79 milyong mt noong 2023.
Aniya, nananatili itong kulang para sa pangangailangan ng bansa na higit sa 2 milyong mt para sa buong taon.
Tinitingnan ng SRA ang pag-aangkat ng 185,000 hanggang 200,000 mt ng refined o puting asukal bilang buffer stock.
Target itong dumating sa Hulyo hanggang simula ng Setyembre, kung kailan hindi pa nagsisimula ang milling season o pag-giling ng asukal upang hindi maapektuhan ang ating mga local sugar farmers.