Umalma ang Sugar Regulatory Administration (SRA) sa alegasyon ng midnight deal sa panibagong pag-aangkat ng asukal.
Sa isang pahayag, sinabi ni SRA Administrator Hermenegildo Serafica na nagkaroon ng panibagong pressure sa supply and demand ng asukal dahil sa pagkaantala ng pag-aangkat ng asukal noong May at June.
Aniya, dulot ito ng reklamo ng United Sugar Producers Federation (UNIFED).
Hinarang ni UNIFED President Manuel Lamata ang implementasyon g Sugar Order No. 3 kung kaya’t nagkukulang na naman ng suplay.
Iginigiit ng UNIFED na traders lang ang dapat mag-import at hindi ang manufacturers.
Gayunman, ang mga manufacturer ang kapos sa asukal partikular sa paglikha ng kanilang bottled products kung kaya’t ang mga ito ang pinapayagang mag-import para sa kanilang konsumo.
Ani ni Serafica, kung naaksyunan nang maaga ang demand ng manufacturers, matatag na sana ang presyuhan ng asukal sa retail market.
Una nang ipinaliwanag ng SRA chief na sinira ng Bagyong Odette ang produksyon ng tubo sanhi upang nararanasan ngayon ang sugar shortage.