
Sinuspinde ng Sugar Regulatory Administration (SRA) ang pagpapatupad ng Sugar Order No. 6.
Ang Sugar Order No. 6 ang nagtatakda ng mga alituntunin sa pag-aangkat ng mga asukal at matatamis na produkto.
Ayon kay SRA Administrator Pablo Azcona, napagkasunduan ng SRA Board ang pansamantalang pagsuspinde matapos makatanggap ng liham mula sa iba’t ibang stakeholder ng asukal.
Dahil dito, ipinagpaliban ang implementasyon ng kautusan upang magkaroon ng masusing dayalogo sa mga apektadong grupo.
Dalawang pangunahing isyu ang lumutang sa konsultasyon, kabilang dito ang posibleng pagkaantala sa proseso ng importasyon at karagdagang gastos sa pagsunod sa bagong regulasyon.
Gayunman, nilinaw Azcona na wala pang naitalang pagkaantala sa mga sugar import clearances simula 2017, at minimal lamang ang processing fee na ₱0.06 kada kilo.
Bilang tugon, inihayag ni Azcona na maglulunsad ang SRA ng online portal upang mapadali ang aplikasyon para sa importasyon ng asukal.