Sinuspinde ng Department of Education (DepEd) sa Region 12 ang mga nakatakda nitong aktibidad ngayong buwan ng Pebrero dahil sa 2019-NCoV scare.
Sa panayam ng DXMY kay DepEd-12 Public Information Officer Antonio Maganto, sa inilabas na memorandum ng kagawaran, inabisuhan ang mga division at district level na iwasan muna ang mga aktibidad na lalahukan ng maraming mag-aaral at mga guro.
Sinabi ni Maganto na isa sa mga ipinagpaliban ay ang pagdaraos ng SOCCSKSARGEN REGIONAL ATHLETIC ASSOCIATION (SRAA) MEET na nakatakda sanang magsisimula sa Pebrero 19.
Isasagawa na lamang ang SRAA meet sa Marso 1 hanggang a-singko, subalit ito ay maaring hindi pa fixed dahil magdedepende pa ito sa magiging abiso mula sa abiso ng Depertment of Health kung ligtas nang magsagawa ng kahalintulad na aktibidad.
Isinasa-alang-alang ng DepED-12 ang kapakanan ng mga mag-aaral pati na ng mga guro kaya kailangan nilang sumunod sa naging direktiba ng national office na ipagpaliban na ang lahat ng aktibidad.
Dagdag pa ni Maganto sa panayam ng DXMY na kailangang matiyak ang kaligtasan ng learners at ng mga kaguruan laban sa 2019-nCoV.(DAISY MANGOD)
SRAA Meet 2020 ipinagpaliban dahil sa NCOV Scare
Facebook Comments