Sri Lanka, nagdeklara na ng food emergency

Nagdeklara na ng food emergency ang Sri Lanka dahil sa kakulangan ng supply ng pagkain sa kanilang bansa.

Bunsod ito ng kawalan na rin nila ng foreign money na ginagamit sa pagpondo sa mga ini-import na produkto.

Sa kasalukuyan, nakakaranas ng krisis sa ekonomiya ang Sri Lanka dahilan upang magpatupad na rin ng emergency regulations para mapigilan ang hoarding ng mga pangunahing bilihin.


Bukod sa problema sa supply ng makakain, isa pa sa kinakaharap ng nasabing bansa ang COVID-19 pandemic na kumikitil sa kanila ng halos 200 katao kada araw.

Facebook Comments