Nagdeklara ang Sri Lanka ng ‘state of emergency’ matapos umalis na ng kanilang bansa si Sri Lanka President Gotabaya Rajapaksa at nagbitiw na rin ito sa pwesto.
Ayon sa opisyal, idineklara ang ‘state of emergency’upang harapin ang sitwasyon sa kanilang bansa.
Dagdag pa ng opisyal, magpapatupad sila ng “indefinite curfew” sa western province kabilang na ang kabisera ng Colombo upang mapigilan ang malawakang protesta doon.
Matatandaang napilitang magbitiw sa puwesto si Rajapaksa matapos ang ilang buwang pagpo-protesta ng mga mamamayan nito dahil sa nararanasang economic crisis ng Sri Lanka kung saan siya inakusahan ng korapsyon at economic mismanagement.
Facebook Comments