Sri Lanka President, nakatakdang bumisita sa bansa

Manila, Philippines – Nakatakdang bumisita sa Pilipinas si Sri Lanka President Maithripala Sirisena sa Enero 15 hanggang Enero 19.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), makikipagpulong si Sirisena kay Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa parehong interes gaya ng kultura, pulitika, ekonomiya at ugnayan ng bawat isa.

Bibisita rin si Sirisena sa Asian Development Bank o ADB at sa International Rice Research Institute sa Los, Baños, Laguna.


Nabatid na noong 2018 ay bumisita na rin sa Pilipinas si Sirisena noong siya pa ang minister of agriculture and agrarian services ng Sri Lanka.

Facebook Comments