Nakatakdang dumating ngayong araw para sa makasaysayang limang araw na state visit si Sri Lankan President Maithripala Sirisena.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo – ang pagbisita ng Sri Lankan leader ay mula January 15 hanggang 19.
Magkakaroon ng one-on-one meeting si Sirisena kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacañan bukas.
Pag-uusapan sa kanilang bilateral meeting ay tungkol sa mutual interest, gaya ng political, economic, agriculture, cultural at people-to-people engagement.
Bibisitahin din ni Sirisena ang Asian Development Bank (ADB) at ang International Rice Research Institute (IRRI) sa Los Baños, Laguna.
Makikipagkita rin si Sirisena sa Sri Lankan community sa Manila.
Dagdag ni Panelo – kaya makasaysayan ang pagbisita ni President Sirisena ay dahil siya ang kauna-unahang Sri Lankan president na nagsisilbi bilang head of state at government sa ilalim ng Sri Lankan 1978 Constitution.