Hindi pa nakikita ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pangangailangang magtaas ng Suggested Retail Prices (SRP) sa mga pangunahing bilihin.
Ayon kay DTI Undersecretary Ruth Castelo, kung maglalabas sila ng bagong SRP, ibig sabihin ay talagang may epekto sa basic commodities ang nangyayaring gulo sa pagitan ng Ukraine at Russia
Aniya, isang manufacturer pa lamang ng sardinas ang humiling na itaas ang kanilang SRP bunsod ng mataas na presyo ng isda at hindi dahil sa epekto ng sitwasyon sa Europa.
Nilinaw rin ni Castelo na sapat ang supply ng mga pangunahing bilihin sa Pilipinas bago pa ang paglusob ng Russia sa Ukraine kaya hindi kailangang mag-panic ng publiko.
Tiniyak din ni Castelo na nakipag-ugnayan na sila sa mga manufacturer ng pagkain at pinaghihinay-hinay sa hiling na price increase dahil hindi pa nakakaluwag ang bansa dulot ng COVID-19 pandemic.