Naglabas na ang Department of Health (DOH) ng Standard Retail Price (SRP) ng kada piraso ng face shield.
Kasunod ito ng mandatory na pagsusuot ng face shield sa opisina at mga pampublikong sasakyan, simula sa Agosto 15.
Batay sa Department Memorandum no. 2020-0345 na may petsang August 10, maglalaro lang dapat sa P26 hanggang ₱50 ang kada piraso ng face shield depende sa materyales na ginamit dito.
Kabilang sa meteryales ang clear plastic o acetate material, adjustable bond na isinusuot sa ulo.
Inirekomenda naman ng kagawaran ang sampung porsyentong dagdag sa SRP para sa distribution cost ng face shield sa Visayas at Mindanao.
Facebook Comments