SRP ng refined sugar, dapat nasa ₱75 hanggang ₱85 lamang – UNIFED

Iginiit ng United Sugar Producers Federation of the Philippines (UNIFED) na dapat nasa ₱75 hanggang ₱85 kada kilo lamang ang suggested retail price (SRP) ng refined na asukal.

Sa isang panayam, sinabi ni UNIFED President Manuel Lamata na masyado nang mataas ang presyo na higit ₱100 kada kilo nito.

Kasunod nito, inihayag ni Lamata na inihahanda na nila ang resolusyon hinggil sa SRP ng asukal sa magiging pagpupulong ng kanilang grupo sa Department of Agriculture (DA).


Nilinaw naman ni Lamata na may lokal na produksyon at dumating na rin ang inangkat na suplay ng asukal, kaya’t wala ng dahilan para itaas ang presyo nito.

Kinumpirma pa ng opisyal na mawawalan ng opsyon ang mga nag-i-imbak ng asukal kundi ibenta ito.

Facebook Comments