SRP sa mga wholesale na baboy, itinakda ng DA

Photo Courtesy: Department of Agriculture - Philippines Facebook Page

Nagtakda ang Department of Agriculture (DA) ng Suggested Retail Price (SRP) sa mga wholesale na baboy.

Ayon kay Agriculture Sec. William Dar, epektibo ngayong araw ang P235 kada kilong presyo ng wholesale na baboy ng traders bago ipasa sa mga tindero sa pamilihan.

Aniya, sa ganitong paraan ay mayroon pang kikitain ang mga tindero na pasok sa price ceiling na P270 sa kada kilo ng kasim/pigue at P300 kada kilo ng liempo.


Sinabi naman ni Department of Trade and Industry Sec. Ramon Lopez na pinag-aaralan na nila ang paglalagay ng labelling at pagpapataw ng SRP sa imported frozen pork at chicken.

Aniya, sisikapin pa nilang mas pababain ito sa P270 hanggang P300 na price cap at P160 sa kada kilo ng manok.

Maliban dito, pag-uusapan din nila ang pagpapataw ng taripa para sa mabilis na pagpasok ng mga produkto.

Giit pa ni Lopez, kapag nagawa ito inaasahang matutulungang maibalik ang presyuhan sa merkado dahil sa dagdag na supply.

Facebook Comments