Target ng Department of Agriculture (DA) na mailabas ngayong linggo ang Suggested Retail Price (SRP) sa imported na karne ng baboy matapos itaas ang Minimum Access Volume (MAV) nito.
Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, nasa final stages na sila para pag-usapan ang SRP.
Sa kasalukuyan kasi ang SRP ng imported na karne ng baboy ay ₱270 kada kilo sa kasim at ₱350 sa liempo.
Habang ang kasalukuyang bentahan sa mga palengke ay ₱360 sa kasim at ₱380 sa liempo.
Una nang inaprubahan ni Pangulong Duterte ang pagtaas ng MAV sa 254,210 metric tons (MT) mula nsa 54, 210 MT sa ilalim ng Executive Order 133.
Facebook Comments