SRP sa walong basic commodities, nakatakdang ipatupad ngayong araw

Manila, Philippines – Ipatutupad na ngayong araw ang Suggested Retail Price (SRP) sa walong pangunahing bilihin.

Ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol, kabilang sa lalagyan ng SRP ay bigas, isda, bawang at sibuyas.

Aniya, nasa P150 kada kilo ang bangus, tilapia ay P100 kada kilo at galunggong na nasa P140 kada kilo.


May presyo naman ang pulang sibuyas ng P95 kada kilo, puting sibuyas ay P75 kada kilo at ang bawang ay nasa P120 kada kilo.

Sabi ni Piñol, hindi pa nila malalagyan ng SRP ang gulay dahil dumedepende ito sa panahon.

Patuloy naman aniyang pinag-aaralan ng Department of Agriculture (DA) kung paano ipapatupad ang SRP sa karne at poultry products.

Nilinaw rin ng kalihim na may hiwalay na SRP sa mga lalawigan dahil mas mura ang presyo ng ilang commodities bunsod ng mataas na supply nito.

Facebook Comments