SRP | Suggested Retail Price sa ilang basic commodities, ipatutupad na bukas

Manila, Philippines – Ipatutupad na sa Metro Manila bukas, June 25 ang Suggested Retail Price (SRP) para sa walong pangunahing bilihin.

Ayon kay Agriculture Sec. Manny Piñol – ang SRP ay ipinatupad na rin sa ilang pangunahing bilihin tulad ng isda, gulay at bigas.

Nasa P150/kilo ang bangus, tilapia ay P100/kilo at galunggong na nasa P140/kilo.


Ang pulang sibuyas ay P95/kilo, puting sibuyas ay P75/kilo habang ang bawang ay nasa P120/kilo.

Ani Piñol – sasailalim pa sa konsultasyon ang SRP sa iba pang pangunahing bilihin tulad ng karne, poultry products at gulay.

Nilinaw din ng kalihim na may hiwalay na SRP sa mga lalawigan dahil mas mura ang presyo ng ilang commodities bunsod ng mataas na supply nito.

Dagdag pa ni Piñol, ang SRP ay temporary lamang dahil ikinukunsidera rin ang ilang kondisyon tulad ng panahon at epekto ng presyo sa mga magsasaka at mangingisda.

Facebook Comments