
Nagsisimula na sa pagbalangkas ng partial committee report ang Senate Blue Ribbon Committee tungkol sa isinagawang imbestigasyon sa maanomalyang flood control projects.
Paliwanag ni Senate President pro-tempore Ping Lacson, bound o tali na sila sa subjudice rule dahil nakahain na sa korte ang mga kaso.
Ito aniya ang konsiderasyon kung bakit kailangan na nilang i-wrap up o tapusin ang pagsisiyasat.
Sinabi pa ni Lacson na malaki na rin naman na ang naging kontribusyon ng pagdinig ng Blue Ribbon Committee para malaman ang katotohanan sa likod ng mga flood control projects at ang mga nasa likod ng katiwalian.
Dagdag pa ni Lacson kapag nakumpleto na ang partial committee report ay maari na silang maghain ng rekomendasyon sa naging imbestigasyon sa guni-guning flood control projects.









