Senate President Chiz Esc udero, hindi minasama ang ginawa ni First Lady Liza Araneta-Marcos na biglang pagkuha at pag-inom sa kaniyang wine

Hindi minamasama ni Senate President Chiz Escudero ang ginawa ni First Lady Liza Araneta-Marcos na biglang paghablot at pag-inom mula sa wine glass ng senador sa gitna ng Vin d’Honneur sa MalacaƱang matapos ang pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan kahapon.

Ayon kay Escudero, ikinukonsidera niya ang nangyari na paghihintay sa isang binibini o sa first lady at nagiging maginoo lamang siya rito.

This slideshow requires JavaScript.


 

Aniya, maaaring sabihin ng iba na makaluma o mistulang “under” ang pagtanggap niya sa nangyari kahapon ngunit ito lamang ang nararapat sa pagiging maginoo at pakikipag-kapwa tao.

Matatandaang ikinagulat at umani ng reaksyon at pagbatikos mula sa mga netizens ang ginawa ng first lady na paghablot at biglang pag-

inom sa wine glass ni Escudero.

Makikita pa sa video na tumawa lang si Escudero nang biglang kunin sa kanya ng first lady ang wine glass nito sabay balik ng ininumang wine sa senador.

Facebook Comments