Tuesday, March 31, 2026

SSS at GSIS pensioners, dapat agad pagkalooban ng Easter Emergency Bonus

Iminungkahi ni SSS-GSIS Pensyonado Partylist Representative Rolando Ledesma Macasaet ang agarang pagbibigay ng Easter Emergency Bonus sa mga pensioners ng Social Security System (SSS) at Government Service Insurance System (GSIS).

Ayon kay Macasaet, malaking tulong ang nasabing bonus para maibasan ang epekto ng krisis sa mga pensioners ng SSS at GSIS.

Diin ni Macasaet, sa panahon na patuloy ang pagtaas ng presyo ng gasolina, pagkain at medisina, kinakailangan natin ang mabilisang mga tulong para sa ating mga pensioner.

Bilang dating Pangulo ng GSIS at SSS ay tiniyak ni Macasaet na hindi makakaapekto sa katatagan ng pension funds ang agarang pagkakaloob ng Easter Emergency Bonus.

Ayon kay Macasaet na hindi na rin ito kailangang idaan pa sa Malacañang o Kongreso dahil may sapat na kapangyarihan ang Boards ng SSS at GSIS para aprubahan at i-release ang nasabing benepisyo.

Facebook Comments