Mahalaga sa Social Security System (SSS) at sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na magkaroon ng maayos na investment para hindi sila nakadepende sa kontribusyon ng mga miyembro nito.
Ito ang iginiit ni Senator Joel Villanueva kasabay ng nakatakdang dagdag kontribusyon ng dalawang tanggapan.
Ayon kay Villanueva, bahagi ng mandato ng SSS at PhilHealth na mag-invest para matiyak na lumalago ang kanilang pondo.
Sa pamamagitan nito, may nakahandang pondo para sa pagpapatupad ng ilang programa at tuluy-tuloy ang paghahatid ng serbisyo sa mga miyembro at mga benepisyaryo.
Facebook Comments