Nagpaalala ang Social Security System (SSS) sa mga employers na samantalahin ang kanilang condonation program.
Sa ilalim nito, matatanggal ang lahat ng multa sa mga hindi nila nabayarang kontribusyon ng kanilang mga tauhan.
Ayon kay SSS President at CEO Aurora Ignacio – hanggang September 1, 2019 na lang ang condonation program at hindi na ito mauulit sa susunod na taon.
Paalala ng SSS, magiging sagot na ng employer ang kontribusyon ng kasambahay kung mas mababa sa 5,000 pesos ang buwanang sweldo nito.
Kung 5,000 naman ang sahod, 410 pesos ang sagot ng amo habang 200 pesos naman ang share ng kasambahay.
Maliban sa kasambahay, pasok din sa condonation ang mga dilingkwenteng employer na may maraming empleyadong hindi nahulugan ang kontribusyon sa SSS.