Umapela kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang ilang kongresista na ipagpaliban ang nakatakdang 15 percent na pagtaas sa contribution rate ng Social Security System o SSS.
Ayon kay House Committee on Labor and Employment Chairman at Rizal 4th District Rep. Fidel Nograles, mahalagang maprotektahan ang mga manggagawa mula sa posibilidad na muling mabawasan ang kanilang take-home pay.
Inihain naman ni Baguio City Representative Mark Go ang House Resolution 2157 kung saan kanyang binigyang-diin ang pagbibigay ng kaunting ginhawa sa mga miyembro ng SSS sa harap ng mataas na presyo ng pangunahing bilihin at serbisyo.
Malinaw naman para kay Gabriela Women’s Party-list Rep. Arlene Brosas, na anti-poor ang SSS contribution hike dahil lalo nitong paliliitin ang hindi sapat ngayon na minimum wage.
Giit naman ni Akbayan Representative Rep. Perci Cendaña sa Malacañang, insensitive sa hiling at sitwasyon ng mamamayang Pilipino ang SSS contribution increase na lalong magpapahirap at magbabawas sa kita ng mga pamilya na hindi na maka-afford sa presyo ng gasolina at bigas.