SSS, hindi magdadalawang isip na ipaaresto ang mga employer na nagmamatigas pa rin sa pagreremit ng kontribusyon ng kanilang mga empleyado

Manila, Philippines – Hindi magdadalawang isip ang Social Security System (SSS) na ipaaresto ang mga employer na patuloy na nagmamatigas na magremit ng contributions ng kanilang mga empleyado.

Ang bantang ito ay ginawa nina Chairman Amado Valdez at buong komisyon ng SSS sa isinagawang public consultation kaugnay sa guidelines ng koleksyon ng contributions sa pamamagitan ng mga administratibong pamamaraan.

Ayon Kay Valdez, maaaring kunin ng SSS ang anumang ari-arian ng mga employers sakaling mabigo ang mga ito na i-remit sa kanila ang kontribusyon ng kanilang mga empleyado.


Ang mapagbebentahan anya ng mga ari-ariang ito ang siyang gagamitin ng SSS para punan ang hindi nabayarang kontribusyon ng mga manggagawa.

Bukod sa pagkuha ng mga ari-arian ng mga employer ay maaari ding makulong ang mga ito kung saan hindi nila maaaring iapela ang kaso sa mas Mataas na Hukuman.

Matatandaan na nitong buwan ng Enero, ipinaaresto ng SSS ang kilalang cosmetic surgeon na si Dr. Joel Mendez at limang iba dahil sa hindi pagre-remit ng contributions ng kanilang mga empleyado.

Posibleng makulong ng hanggang 15 taon ang isang employer na hindi magre-remit sa kontribusyon ng kanilang mga empleyado.
Nation”, Rambo Labay

Facebook Comments