Hinikayat ng Social Security System ang mga miyembro nito na gamitin ang Online Payment para sa pagbabayad ng kanilang Monthly Contribution at Loans.
Ito’y bahagi ng Digitalization Initative ng SSS.
Ang mga Self-Employed, Voluntary, at OFW Members ay pwedeng hindi na pumila sa SSS Branches at magbayad na lamang sa pamamagitan ng Bancnet Online, Unionbank Online, at Globe’s Gcash Facility Bago o sa mismong araw ng due date.
Ayon kay SSS President and CEO Aurora Ignacio, may ilang SSS Members ang hindi nakakapagbayad ng kanilang Contribution o Loan Payments sa tamang oras dahil sa kanilang Busy Schedule.
Ang mga Late Loan Payments ay nagkakaroon ng pentalties habang ang mga hindi nabayarang kontribusyon ay makakaapekto sa benefit claims.
Panawagan ng SSS sa mga miyembro na bayaran ang kanilang contributions at loans online para maiwasan ang mga ganitong problema.
Ang mga miyembro ay kailangang magkaroon ng Payment Reference Number (PRN) sa my.sss website para sa realt-time processing ng Contribution Payments.
Ang mga ATM Cardholder ng Bancnet Banks ay pwedeng bayaran ang kanilang Kontribusyon at Loan na free of charge sa pamamagitan ng pag-log sa website ng Bancnet.
Ang mga SSS Members naman na may account sa Unionbank ay pwedeng i-access ang payment option sa pamamagitan ng SSS Hub na makikita sa website ng bangko.
Ang mga Globe at TM Subscribers ay pwedeng magbayad online sa pamamagitan ng Gcash.