SSS, in-upgrade ang kanilang serbisyo online para sa mas mabilis at mas madaling serbisyo ng ahensya

Kasabay ng ika-64 anibersaryo ng Social Security System (SSS), inilunsad nila ang web portal na tinawag na uSSSap tayo.

Ang uSSSap tayo ay naglalaman ng mga transaksyon sa SSS at mahahalagang impormasyon sa serbisyo ng ahensya at masasagot ang ilang katanungan.

Ngayong taon, kabilang sa bagong serbisyo online ng SSS ang filing of employer data amendment request and optional retirement claims, filing and electronic disbursement of unemployment and funeral benefits, renewal of pension loans at marami pang iba.


Ayon kay Aurora C. Ignacio, SSS President and CEO, umakyat sa 193% ang itinaas ng mga nagparehistro sa SSS matapos ang mga inilabas na serbisyo online.

Sa ngayon, mayroong 40-milyong member ang SSS, halos 1-milyon ang active employers at 2.9-milyon ang pensioners.

Aabot naman sa 118.2-bilyon ang collection ng SSS as of January hanggang June 2021.

Nangako naman ang SSS na mas papagandahin pa nila ang mga serbisyo online at titiyaking maiingatan ang personal na impormasyon ng mga magrerehistro sa bagong web portal ng SSS.

Facebook Comments