SSS, ipinaalala sa mga miyembro nito na magparehistro sa Online Portal para makapag-apply ng Salary Loan

Inanusyo ng Social Security System (SSS) na hindi na maaaring mag-apply ang mga miyembro ng Salary Loan kung hindi sila nakarehistro sa kanilang Online Portal.

Nakasaad sa Real-Time Process of Loans (RTPL) quick reference guide ng SSS, ang lahat ng Salary Loans ay dapat nang ihain online na nagsimula nitong November 11.

Para maka-avail sa Salary Loan, ang mga miyembro ay dapat mag-register sa www.sss.gov.ph


Sa mga walang access sa internet ay pwedeng sumadya sa SSS Branch at mag-avail ng E-Center Facility para sa Registration o Loan Application.

Ang mga Calamity, Emergency, at Education Assistance Loans ay kailangan pa ring i-file sa SSS Branches para sa Documentary Requirements.

Facebook Comments