SSS, itinangging na-hack ang system

Itinanggi ng Social Security System (SSS) na na-hack ang system nito.

Ito ay matapos i-report ng mga SSS member ang down na employer portal ng ahensya tuwing sila ay magla-log in.

Ayon kay Vangie Diamitas ng communications department ng SSS, walang hacking na nagaganap.


Ayon pa sa SSS, as of November 7, 2023, kaninang 3:29 pm ay operational ang SSS website nito.

Ayon naman kay Department of Information and Communications Technology (DICT) Spokesperson Aboy Paraison, bineberipika pa nila ang napaulat na hacking.

Nakatanggap lamang sila ng impormasyon hinggil sa pagkakaroon umano ng hacking sa system ng SSS.

Facebook Comments