
Kasabay ng pagdiriwang ng Labor Day, inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na may alok na mas mababang interest ang Social Security System (SSS) sa mga miyembor nito na mag-aaply ng loan simula sa Hunyo.
Ayon kay Pangulong Marcos, mula 10% ay ibababa na sa 8% ang interest para sa salary loan, at 7% sa calamity loan ng mga miyembrong may malinis na record.
Simula Setyembre naman, palalawigin ang pension loan program kung saan pwede na ring umutang ng hanggang ₱150,000 ang mga surviving spouse o naiwang asawa ng mga yumaong pensioner.
Dagdag pa ng pangulo, nakikipag-ugnayan na rin ang SSS sa ilang financial institutions para pag-aralan ang pagkakaroon ng micro-credit loan facility para matugunan ang agarang pinansyal na pangangailangan ng kanilang mga miyembro.









