SSS, maglalabas ng UMID card na may kasamang ATM card feature

Inihayag ng Social Security System o SSS na magsisimula itong maglabas ng universal multi-purpose ID o UMID cards na may ATM card feature.

Ibig sabihin nito, magkakaroon na rin ng disbursement account ang mga miyembro ng SSS para sa kanilang benefits, loans at refunds.

Dagdag pa rito ang access sa mga ATM, online at mobile platforms ng mga kalahok na bangko.


Ayon kay SSS president at CEO Michael Regino, layon nitong bigyan ng tama at agarang pamamahagi ng SSS benefits at loans sa mga tatanggap nito.

Sa ngayon, naka-link ang UMID ATM Pay Cards sa regular savings account ng Union Bank of the Philippines kung saan mag-iisyu ang bangko ng kanilang unang isang milyong UMID cards.

Pagsapit naman ng unang quarter ng 2023, handa na ring mag-isyu ang Rizal Commercial Banking Corporation o RCBC ng kanilang UMID cards sa mga SSS members.

Facebook Comments