Pagsapit ng Enero 2020, papalo ng P70,000 ang maximum financial assistance ng Social Security System (SSS).
Kinumpirma mismo ni SSS President at CEO Aurora Ignacio ang magandang balita alinsunod sa pagpapatupad ng Republic Act No. 11210 o Expanded Maternity Leave Act at SSS Act of 2018.
Ayon kay Ignacio, tataas raw ang SSS benefits na matatanggap ng mga miyembro dahil din sa implementasyon ng bagong minimum at maximum monthly salary credit.
Magiging doble ang matatanggap na maternity benefit ng isang ina na dating nakakakuha ng P32,000.
Dagdag pa ng SSS President, mula nang ipatupad ang Expanded Maternity Leave Act, ginamit ng mahigit 122,000 na nanay ang dagdag benepisyo.
Facebook Comments