SSS, May Bago ng Patakaran!

Cauayan City, Isabela- Ipinatupad na ang bagong programa ng Social Security System o SSS simula ngayong araw, Abril 2, 2018.

Sa panayam ng RMN Cauayan News kay ginang Estrella Aragon, branch head ng SSS Cauayan, ito ay tinatawag na Re-Implementation of the Loan ReStructuring Program o pagtanggal sa mga interes o penalty sa mga hindi pa nababayarang utang sa SSS.

Ito ay mabibigyan na ng pagkakataon na matanggal ang mga interes ng mga naka utang sa kahit anong klaseng loan.


Aniya, bumisita lamang sa kanilang opisina na matatagpuan sa Pure Gold, Public Market ng Cauayan City at magtungo lamang sa kanilang Members Services Section upang mabigyan ng Statement of Loan Balance at malaman na rin ang mga kwalipikasyon at iba pang benipisyo sa naturang programa.

Facebook Comments