SSS, MAY HATID NA DAGDAG BENEPISYO SA MGA JOB ORDER AT CONTRACT OF SERVICE NG LGU ALAMINOS

Mas pinalawig pa ang enrollment coverage ng mga job order at contract of service employees ng LGU Alaminos City sa isinagawang renewal of commitment signing na siya pinangunahan ng alkalde ng lungsod at ng Social Security System (SSS) Alaminos Branch.
Sa ilalim ng KaltaSSS Collect Program o Kasangga, mas madali na umanong maging miyembro ang mga Job Order at Contract of Service sa SSS na ipapasok sa self-employed category.
Malaking benepisyo umano ito sa mga kawani ng lokal na pamahalaan dahil covered na sila ng SSS maging ang pag-avail at paggamit ng mga programa mula sa ahensya. |ifmnews

Facebook Comments