Manila, Philippines – tiniyak ni Committee on Government Corporations and Public Enterprises Chairman Senator Richard Gordon na may maaasahang ayuda mula sa Social Security System (SSS) ang mga miyembro nito na mawawalan ng trabaho.
Ayon kay Gordon, sa SSS law na pinirmahan lang kamakailan ni Pangulong Rodrigo Duterte ay may nakapaloob na unemployment insurance or involuntary separation benefits.
Sabi ni Gordon, sa loob ng dalawang buwan habang naghahanap ng trabaho ang isang SSS member ay may matatanggap itong 10-libong piso kada buwan.
Ipinagmalaki din ni Gordon na itinatakda ng SSS law ang pagtaas sa pension ng mga nagretirong miyembro gayundin ang pagsaklaw sa mga Overseas Filipino Workers.
Ipinaliwanag din ni Gordon na bagamat nagdulot ang batas ng kaunting pagtaas sa contribution ng mga miyembro ay magbibigay naman ito ng mas malaki at magandang mga benepisyo.