Nagpalabas ng abiso ang Social Security System (SSS) sa publiko hinggil sa pagkakaantala ng pagproseso ng Unified Multi-Purpose Identification cards dahil sa malfunctioning ng Central Verification System (CVS).
Naglabas na ng joint advisory ang UMID consortium ng Government Service Insurance System (GSIS), Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), Philippine Statistics Authority (PSA) at SSS para sa kaalaman ng publiko.
Buwan pa ng Agosto, 2019, nang nakakaranas ng intermittent downtime ang CVS dahil sa hindi maayos na gumagana ang “biometric uniqueness match operation” system nito.
Bunga nito lahat ng UMID card applications na isinumite sa GSIS at SSS mula October 2019 hanggang March 2020 ay hindi pa maaaring maiproseso at mailabas habang pending pa ang resolusyon ng technical problem.
May pakikikipag- ugnayan na ang PSA na siyang administrator ng CVS, sa technical provider.
Sa sandaling maresolba na ito, saka lamang mapoproseso ang UMID card applications ng affected GSIS at SSS members/pensioners sa pamamagitan ng “first-in, first-out” basis.
Pansamantala, tatanggapin ng SSS ang acknowledgment stub o online transaction number bilang patunay ng UMID card application kapag nakipag- transaksyon sa kanilang sangay o online.
Sa parte naman ng GSIS, mag- iisyu ito ng temporary e-Cards na papayagang makatanggap ng loan proceeds at iba pang benefits ang kanilang mga miyembro.