SSS, nag-alok ng bagong penalty condonation program sa mga miyembro na may hindi nabayarang utang

Nag-alok ang Social Security System (SSS) ng bagong penalty condonation program sa mga miyembro nito na may past-due loans.

Hinikayat ni SSS President at Chief Executive Officer Michael Regino ang mga SSS members na may unpaid short-term member loans na samantalahin ang consolidation ng past due short-term member loans na may condonation ng penalty.

Kabilang sa mga miyembrong kwalipikadong mag-avail ng program ay ang mga mayroong outstanding salary loans at ang mga may salary loan early renewal program (SLERP), calamity, emergency loan at restructured loan.


Sa ilalim ng programa, pag-iisahin ng SSS ang principal at interest ng past-due short-term member loans para gawing isang consolidated loan.

Habang ang hindi nabayarang penalties ay tatanggalin sa sandaling ang miyembro ay nakapag-full payment na sa consolidated loan.

Facebook Comments