Inihayag ng pamunuan ng Social Security System (SSS) na simula sa November 27, magbibigay ng ‘Calamity Assistance Package’ ang SSS sa mga myembro at pensioners nito na matinding sinalanta ng kalamidad.
Partikular na tinukoy ng SSS ang benepisyaryo sa mga lugar na isinailalim sa State of Calamity ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na tinamaan ni Super Typhoon Rolly, Quinta at Ulysses.
Nakapaloob sa Assistance Package ang Calamity Loan Assistance Program, Three-Month Advance Pension for SSS and Employees Compensation Pensioners at Direct House Repair and Improvement Loan.
Ang application para sa CLAP at Three-Month Advance Pension ay bubuksan ngayong November 27 hanggang February 26 ng susunod na taon.
Habang ang Direct House Repair and Improvement ay iaalok sa mga myembro sa loob ng isang taon sa panahon na pasimulan na ito.