Nagbabala ang Social Security System (SSS) sa mga naglipanang Facebook Group na nag-aanunsyo ng pa-raffle.
Nang malaman nila ito ng ahensya ay agad nilang ini-report sa Facebook ito na agad namang naialis.
Naglabas na din ng abiso ang SSS sa mga miyembro nito sa official site na ‘fake news’ ang kumakalat.
Babala ni SSS Senior Vice President, Atty. Voltaire Agas, huwag basta-basta maniwala sa mga nababasa sa internet at hindi rin sila nagpapa-raffle.
Pinag-iingat din ni Lt/Col. Irene Cena, O-I-C ng Cybersecurity unit ng PNP Anti- Ybercrime Group ang publiko na posible silang mabiktima ng ‘data mining.’
Panawagan ng SSS, iberipika sa kanila ang anumang mga anunsyo sa pamamagitan ng kanilang official website: www.sss.gov.ph at sss hotlines: 920-64-46 hanggang 55.