SSS, nagpalabas ng P84-M bilang unemployment benefit sa mga miyembrong wala nang trabaho

Manila, Philippines – Mahigit P84 milyon halaga ng unemployment benefits ang ipinalabas ng Social Security System para sa may 6,907  active paying members ng SSS na  boluntaryong umalis sa trabaho.

Ang benepisyo ay naipagkaloob sa unang dalawang buwan ng implementasyon ng Republic Act 11199 o ng Social Security Act of 2018.

Ayon kay SSS President at Chief Executive Officer Aurora C. Ignacio, Makati Gil-Puyat Branch ang may pinakamaraming bilang ng SSS member na tumanggap ng unemployment benefit applications na umaabot sa 943 o may P13.76 milyong disbursement.


Sumunod dito ang Bacoor Branch – 876 applications o may P8.98 milyong disbursement; Biñan Branch -833 approved applications na may P9.74 milyong disbursement, Pasig-Pioneer at Cebu Branches na pawang may 437 approved applications at may P6.10 milyong disbursement at P5.16 milyong disbursement.

Sinabi ni Ignacio na para ma-qualify sa unemployment benefit, ang miyembro ay dapat hindi aabot ng 60 years old sa panahon ng involuntary separation pero ang mga mineworkers, racehorse jockey members ay dapat hindi lalampas sa 50 at 55 years old para makakuha ng benepisyu at dapat ang member-applicant ay may 36 monthly contributions sa SSS.

Aniya ang mga SSS members na maaaring magbenepisyu dito ay kasama ang mga nag-install ng  labor-saving devices, redundancy, retrenchment, closure o cessation ng operasyon, may sakit o anumang karamdaman na hindi na maaari pa itong magtrabaho.

Facebook Comments