SSS, NAGSAGAWA NG OPERASYON LABAN SA MGA EMPLOYER NA MAY UTANG SA KONTRIBUSYON SA AGOO

Naglunsad ng operasyon ang Social Security System (SSS) Agoo Branch laban sa limang employer na hindi nakakapagbayad ng kontribusyon ng kanilang mga manggagawa. Bahagi ito ng kampanyang Run After Contribution Evaders (RACE) ng ahensya.

Ngayong umaga ng Setyembre 30, 2025, personal na ipinabot ng SSS ang demand letters at billing sa mga employer na may pagkakautang.

Ipinaliwanag ni Atty. Blesilda M. Acosta, Legal Department Manager ng SSS Luzon North 1, na layunin ng programa na maprotektahan ang karapatan ng mga manggagawa sa kanilang mga benepisyo.

Dagdag pa niya, hindi hangad ng ahensya na agad parusahan ang mga employer.

Mas mahalaga aniya na maturuan at matulungan silang maayos ang kanilang records.

Sa ganitong paraan, maiiwasan ang mas mabigat na kaparusahan.

Facebook Comments