SSS, nakapagpalabas na ng ₱5-B na pension loan para sa mga retiree pensioners

Abot na sa ₱5 billion na pondo ang nailabas ng Social Security System (SSS) para sa Pension Loan Program (PLP) nito mula September 2018 hanggang July 31, 2020.

Ayon kay SSS President at CEO Aurora Ignacio, nasa 138,917 pensioners na ang nakinabang sa loan program.

Base sa datos, ang National Capital Region (NCR) ang nangunguna na may pinakamataas na halaga ng disbursement na abot sa ₱1.75 billion, sinundan ng Luzon na may ₱1.57 billion, Visayas na may ₱1.01 billion at Mindanao area na may ₱724.12 million.


Sa usapin naman ng dami ng bilang ng mga borrowers, nangunguna ang Western Visayas, sinundan ng Northern NCR at Southern Luzon.

Sabi pa ni Ignacio, malaki ang naitutulong ng special loan program para sa mga retiree pensioners na mabigyan ng agarang pinansiyal lalo na sa panahong may krisis sa pangkalusugan at ekonomiya.

Facebook Comments