SSS, nakapagtala ng P115-M na education loan sa ikalawang kwarter ng taon

Aabot sa P115.53 million ang naitala na education loan ng Social Security System (SSS) sa ikalawang kwarter ng taon.

Umakyat ito ng 52% mula Enero hanggang Hunyo ngayong taon kumpara sa P75.78 million na naitala nitong 2020.

Ayon kay SSS President at CEO Aurora Ignacio, bunsod ito ng mga dagdag gastos na kinailangan ng mga estudyante para sa flexible learning ngayong pandemya tulad ng computer, laptop at tablet.


Samantala, umabot naman sa 6,500 na aplikasyon para sa tuition financing assistance ang naitala ng SSS sa nakalipas na anim na buwan.

Facebook Comments